Tuesday, November 29, 2011

Sa ngalan ng kapayatan

photo source: Internet

Kakatweet ko lang, sabi ko, "I'm afraid but in the name of ... I'll do this. #FACT" Ang gusto kong sabihin e, but in the name of kapayatan, gagawin ko to! Naubos ko na ang isang basong orange juice pero hindi lang ordinaryong orange juice ito. Meron itong magic na makakapag pasaya sa akin dahil papayat ako. Kagaya ng mga kaibigan na nag try nito, in less than 2 weeks, ampayat na nila.

Pero problema, iba ang effect ng mga slimming chenes sa akin. Na try ko na kasi ang slimming coffee dati and I must say effective talaga sya. I lost 8 kgs in 2 weeks without doing anything. Days after I took the coffee nawalan ako ng ganang kumain but aside from that mabilis din metabolism ko hanggang 1 day narealize ko na nga na payat na ako. Pero it was on wrong timing, it was nearing my daughter's birthday and 1 month before it my in laws are here. Lamon kami ng lamon at tsaka nag stop na din ako ng coffee nun kasi nga I already reached my desired weight. At first wala pang effect ang araw araw na lamon pero eventually, nakita ko na ang nightmare ko. Parang na doble pa ang taba ko sa tiyan. Unti unti, nahihirapan na ulit akong isuot mga pants ko na lumuwang na sana after the coffee thingy, para na naman akong buntis kapag naka dress, di ko na ma close ang short pants ko, hanggang sa balik na naman ako sa dati.

I tried to do physical exercises. Nag pilates ako, nag jogging, etc etc pero kung ano ang amount na nalo-loose ko na fats during the physical exercises e bumabawi naman ako sa akin. Sus, buffet rice kaya sa bahay!

So I decided to take the coffee again pero, STOP, iba na ang dating sa akin. Naalala ko kasi when I was taking it before, medyo may konting palpitation na pero I can handle that hindi katulad ng ibang friends ko, alarming ang palpitation nila. So medyo alangan na ako tapos feeling ko the coffee smells bad. Awful. Nahihilo na ako amoy pa lang. When I try to drink it, nasusuka na ako. Worst I feel depress by just smelling. I dont know why pero nadedepress ako. So I decided not to take it anymore. Hanggang ang pag inom ko ng normal na coffee na walang slimming effect, yung 3n1, aba'y apektado na. For some time gusto ko na lang lagi Starbucks! wow naging sushal na ako dahil sa slimming coffee na yun. LOL.

So going back nga sa present, I'm trying this new slimming tool. Wow, tool talaga. I had this for quiet some time now, asa bahay lang nakatambak, binigyan ako ng isang box ng kaibigan ng asawa ko, i-try ko daw pero ngayon ko lang na try talaga dahil nga natatakot akong maexperience yung sa coffee. The reason of my tweet today.

Few minutes after I drank a glass of orange juice with slimming effect, I feel something again. Nanginginig laman ko. LOL. So eto na naman, same effect but at least I will feel and look slimmer days from now.

:)


Blessings ♥

3 comments:

  1. Uy pa share naman ano ba yan at saan nabibili? kailangan ko ding pumayat at may beach getaway na namn kami next month! lol!

    ReplyDelete
  2. Good luck on your goal to slim down. The holidays is coming so I know it's gonna more challeging. Kaya mo yan! Thanks for the visit! :)

    ReplyDelete
  3. Any update on your sa-ngalan-ng-kapayatan challenge? ;) Mahirap talaga mag lose ng weight pero kaya yan. Go, go, go! :)

    ReplyDelete

Your happy thoughts